Ninakaw na wallet, naibalik na din matapos ang 50 taon

New Jersey – After 50 years, naibalik na din sa wakas ang ninakaw na wallet ng isang lalaki.

Kwento ng 78-anyos na si Dennis Helmer, kasamang ninakaw ang kaniyang wallet nang pasukin ng magnanakaw ang bahay ng kaniyang magulang sa Westmont.

Ikinagulat na lamang ni Dennis ng makatanggap ng tawag mula sa contractor ng Bellmar Homes at sinabing nakita nila ang wallet sa kisame ng giniba nilang bahay.


Naibalik muli kay Dennis ang 1957 Selective Service Card nito, ang St. Christopher Medal, resibo ng tuition payment nito sa Drexel University at ang litrato nito na kasama ang kaniyang date sa prom night sa Camden Catholic School.

Facebook Comments