NorthPort, wagi sa PBA Governor’s Cup kontra Meralco

53
Photo Courtesy: PBA Facebook Page

Wagi ang NorthPort matapos patumbahin ang Meralco sa score na 109-98 sa PBA Governors’ Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Humataw si Jamel Artis ng 26 points, 7 rebounds, 4 assists at 3 steals para sa 1-5 na record ng Batang Pier habang nagdagdag si Robert Bolick ng 22 markers, 7 boards, 6 assists, at 3 steals.

Umabante sa score na 32-18 ang Meralco sa unang quarter ng laro bago nag-init ang NorthPort sa second quarter patungo sa pagpoposte ng 20-point lead.


Samantala, nalasap naman ng Bolts ang unang pagkatalo matapos magtala ng 4-0 marka.

Facebook Comments