
Mas pinaigting ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagmo-monitoring sa iba’t ibang social media platforms sa harap ng ginagawang pagtitipon tipon ng libu-libong miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA people power monument.
Sa isang pahayag, sinabi ng CICC, na batay sa ibinibigay na datus ng Threat Monitoring Center (TMC) nito, karamihan sa mga namo-monitor na online engagements ay kinabibilangan ng media coverage ng protesta at mga abiso sa trapiko.
Sinundan ito ng negatibong sentimyento ng publiko na maapektuhan ng matinding pagsisikip ng trapiko .
Hinimok ng CICC ang publiko na manatiling mapagbantay at agad na iulat ang anumang pinaghihinalaang disinformation na may kaugnayan sa rally sa protesta sa pamamagitan ng Hotline 1326.










