MASSAGE THERAPIST, HULI SA KASONG APAT NA BESES NA CHILD ABUSE

57
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang massage therapist na kabilang sa listahan ng mga wanted persons ng PNP dito sa lungsod ng Cauayan na kinilalang si Adenar Marinduque, tatlumput limang taong gulang, walang asawa, at residente ng Brgy. Turayong, Cauayan City.

Nahuli si Marinduque sa Purok 4 ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, pasado alas tres ng hapon kahapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte dito sa Lungsod na isinilbi ng magkatuwang na tauhan ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company at PNP Cauayan.

Si Marinduque ay nahaharap sa apat (4) na beses na kasong paglabag sa Republic Act 7610 o paglabag sa SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST CHILD ABUSE, EXPLOITATION AND DISCRIMINATION ACT.

Mayroon namang inirekomendang kaukulang piyansa ang korte na tig-36,000 pesos sa bawat kaso nitong pang-aabuso para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Kasalukuyan namang naka kulong sa lock-up cell ng PNP Cauayan ang naturang akusado.

Facebook Comments