Wednesday, June 17, 2026

Liderato ng Kamara, tiwalang uusad na ang Senado sa ilalim ni Senate President Gatchalian

Agad nag-abot ng pagbati ang liderato ng Kamara sa pormal na paghalal kay Senator Sherwin Gatchalian bilang Senate President.

Tiwala si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na sa ilalim ng pamumuno ni Gatchalian ay magpapatuloy na ang trababo ng Senado para maipasa ang mga panukalang batas na makatutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya, magpapalakas sa serbisyo sa publiko at magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

Diin ni Dy, kapag nagtutulungan ang dalawang kapulungan ay mas mabilis na maihahatid ang mga repormang kailangan ng sambayanan.

Pinuri naman ni House Majority Leader at ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang pagiging level headed o mahinahon at makatwiran ni Gatchalian.

Ayon kay Marcos, ang nabanggit na mga katangian ang kailangan sa kasalukuyang lagay ng politika sa bansa lalo na para magpatuloy ang trabaho sa Senado.

Facebook Comments