Tuesday, October 20, 2026

31 na mga Chinese vessels, namataan sa WPS nitong nagdaang linggo

Nakapag-monitor ng 31 na mga Chinese vessels ang Philippine Navy sa apat na maritime features ng West Philippine Sea (WPS) nitong October 13 hanggang 19.

Pinakamaraming barko ng china ang namataan sa Bajo de Masinloc na may 16 na mga Chinese vessels.

Sinundan ng apat na Chinese Coast Guard vessels at tatlong PLA Navy ships sa Pag-asa Islands at anim na CCGVs sa Ayungin Shoal.

Habang sa Escoda Shoal ay may namataan na dalawang PLA Navy ships.

Tiniyak naman ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na patuloy ang kanilang pagbabantay sa teritoryo ng bansa at soberanya ng Pilipinas alinsunod sa international law at sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Facebook Comments