OFW na naaksidente sa Italy, dinalaw na ng Philippine Consulate

Dinalaw ng Philippine Consulate General ang Overseas Filipino Worker o OFW na naka-confine sa Milan, Italy matapos maaksidente.

Ang naturang OFW ay sumasailalim ngayon sa rehabilitation dahil sa tinamong head injury matapos ang vehicular accident.

Inalalayan din ng konsulada ang OFW sa kanyang passport renewal para sa police report.

Hindi pa kasi kayang magtungo sa Philippine Consulate ng naturang Pinoy kaya sa ospital na lamang ginawa ang pag-renew ng kanyang pasaporte.

Facebook Comments