Alegasyong may kinita at sangkot sa kontobersyal na P1.4-B na halfway house para sa OFW, pinabulaanan ni dating OWWA Administrator Arnell Ignacio

Sinagot na ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio ang alegasyong sangkot umano siya sa kontrobersyal na P1.4 billion halfway house ng ahensya.

Ayon kay dating OWWA Administrator Ignacio, wala umano siyang kinita sa naturang transakyon.

Iginiit din nito na ang nasabing lupa ay nakapangalan sa republika ng Pilipinas.

Hindi na niya umano kinakaya ang kaliwa’t kanang alegasyon na ibinabato sa kanya lalo pa’t dumaan daw sa proseso ang nasabing proyekto.

Aniya, 2018 nang sinimulan ang halfway house na ito ng OWWA para sa OFW at nakipagtulungan sila sa ilan pang ahensya ng pamahalaan gaya Department of Budget and Management (DBM) at binusisi o ni-review rin ito ng Technical Working Group (TWG) ng OWWA.

Paglilinaw rin ni Ignacio, Landbank din ang nagtakda ng halaga ng lupa kaya naman ito rin ang sinunod ng OWWA.

Facebook Comments