
Lumagda si Senator Lito Lapid ng Memorandum of Understanding (MOU) sa Singapore Institute of Management (SIM) sa ilalim ng Lingkod Lapid Program.
Sa nasabing kasunduan ay mabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral ang 15 sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Singapore sa naturang prestihiyosong paaraalan.
Ayon kay Lapid, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga OFWs na higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan at pamumuhay na makatutulong hindi lang sa pamilya kundi maging sa ating bansa.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang 15 na OFWs sa pagkakataon na ibinigay sa kanila ng programa upang mabigay nila ang pangarap sa mga pamilya na makaahon sa buhay.
Dumalo sa MOU signing si Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig at ang CEO ng Singapore Institute of Management na si Mr. Ho Seong Kim.