Friday, May 8, 2026

Jay Sonza, pinayagan na rin ng isa pang korte sa Pasay para makapagpiyansa sa kasong cyber libel

COURTESY: Atty. Mark Tolentino

Kinumpirma ni Atty. Mark Tolentino na inaprubahan na rin ng Pasay City Regional Trial Court Branch 111 ang kanilang aplikasyon sa piyansa sa kasong cyber libel nina Jay Sonza at Eric Celiz.

Ayon kay Atty. Tolentino, nakapagpiyansa na sina Sonza at Celiz at sa ngayon ay nasa malayang kalagayan na ang mga ito.

Aniya, hinihintay na lamang nila ang susunod na mga proseso ng kaso.

Ang kasong cyber libel case nina Sonza at Celiz ay isinampa ng National Bureau of Investigation.

May kaugnayan pa rin ito sa sinasabing pag-post ng dalawa ng pekeng medical bulletin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments