Minorya ng Kamara, buo ang suporta sa pakikipagtulungan ng gobyerno sa Interpol kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD

Buo ang suporta ni House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan sa desisyon ng pamahalaan na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) kaugnay sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kay Libanan, ang kooperasyon natin sa Interpol ay naghahatid ng malakas na mensahe sa Pandaigdigang Komunidad na ang Pilipinas ay kaisa sa pagsusulong ng Rule of Law, at pagrespeto sa legal na mga hakbang para sa pag-iral ng hustisya.

Bilang dating Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) at ngayon ay chairman ng House Committee on Justice, ay binigyang-diin ni Libanan ang kahalagahan ng International Cooperation para sa pagpapatupad ng batas.


Giit ni Libanan, dahil sa ugnayan ng gobyerno sa Interpol ay lalong napagtibay ang ating Legal and Institutional Framework upang matiyak na mananagot ang sinumang nahaharap sa seryosong alegasyon sinuman sila o anumang ang estado.

Bilang abogado ay pinalala din ni Libanan na walang sinuman ang nakahihigit o dapat mangibabaw sa batas.

Facebook Comments