
Umaasa si Senator Mark Villar na nabibigyan ng maayos na pagtrato si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC).
Naglabas ng reaksyon si Villar sa kanyang mga social media account at nagpahayag ng pagaalala para sa dating Pangulo.
Umaasa si Villar na nasa mabuting kalusugan si dating Pangulong Duterte, at maayos ang pagtrato sa kanya ng ICC.
Ipagdarasal din aniya na maibibigay kay FPRRD ang patas at awa sa paglilitis na nararapat sa lahat ng mga Pilipino.
Inalala rin ng senador na bago siya maglingkod bilang Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary sa ilalim ng dating Duterte Administration ay nasaksihan niya ang habag at pagtulong ni FPRRD sa mga batang maysakit at sa mga lumalapit sa kanya na nangangailangan.