Monday, May 11, 2026

NBI Dir. Matibag, hindi pinapasok ng Senado

Pasado alas singko kanina dumating sa Senado si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag.

Ito ay para suportahan ang mga tauhan ng NBI na nasa loob ng senado para magsilbi ng warrant of arresto laban kay Senador Ronald dela Rosa.

Gayunman, hindi pinapasok ng mga guwardiya ng Senado si Matibag.

Ayon kay Matibag, wala pang order ang liderato ng Senado sa kaniyang pagpasok.

Bunga nito, bumalik na lamang si Matibag sa sasakyan nito na nakaparada sa labas ng Senado.

Sa ngayon, wala pa ring sasakyan at mga bisita na pinapayagang makapasok sa loob ng Mataas na Kapulungan.

Pero kanina may ilan namang sasakyan ang pinayagan na makalabas ng Senado.

Facebook Comments