
Pinag-iisipan ng Department of Education (DepEd) na palawigin pa ang workplace training ng mga Senior High School (SHS) students mula sa kasalukuyang 80 hanggang 160 hours patungong 640 hours.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nakatanggap ang ahensya ng feedback mula sa mga employer na kulang pa sa praktikal na kasanayan at hindi pa sanay sa walong oras na trabaho ang ilang nakakapagtapos ng Senior High School.
Paliwanag ng kalihim, ang mas mahabang immersion hours ay magbibigay ng mas magandang pagkakataon sa mga estudyante na mahasa ang kanilang kakayahan at direktang makuha sa trabaho.
Nilinaw naman ng DepEd na ang 640-hour target ay layunin pa lamang ng departamento at hindi pa ipinapatupad bilang pangkalahatang requirement para sa lahat ng mag-aaral.










