Friday, September 11, 2026

PNP, nagdagdag ng tauhan at kagamitan para sa search and rescue sa sunog na sumiklab sa isang pampasaherong ferry sa Palawan

Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang PNP Maritime Group na tumulong sa Philippine Coast Guard (PCG) para paigtingin ang paghahanap sa mga nawawala pang indibidwal kasunod ng nangyaring sunog na sumiklab sa isang pampasaherong ferry sa Palawan.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., magde-deploy sila ng mga karagdagang PNP personnel at kagamitan para tumulong sa pag-iimbestiga at pagbibigay ng medikal na atensyon bukod pa sa search and rescue operations.

Batay sa passenger manifest, mayroong 117 pasahero at 17 crew sakay ng sinawing-palad na MV June Aster nang ito ay umalis ng Maynila patungong Coron, Palawan.

Hindi bababa sa limang katao ang kumpirmadong nasawi dahil sa nasabing trahedya, 43 pasahero at crew naman ang nailigtas mula nang mangyari ang insidente noong Miyerkules ng gabi at 87 na indibidwal pa rin ang nananatiling nawawala.

Facebook Comments