Nailagay na ang mga CCTV camera sa mga Sitio at Purok ng Bagong Barrio, Korea, BLISS, Silungan, at sa kahabaan ng MacArthur National Highway malapit sa 7-Eleven.
Layunin ng proyektong ito na maagapan ang anumang krimen, mapigilan ang mga hindi kanais-nais na gawain, at mapalakas ang seguridad sa buong barangay.
Bukod sa CCTV installation, nakatakda ring maglagay ng Public Address (PA) System upang mas mapabilis ang pagpapakalat ng mahahalagang anunsiyo, emergency alerts, at agarang pagtugon sa mga panawagan ng mga residente.
Patuloy ding hinihikayat ng pamunuan ng barangay ang mga mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at paggamit ng mga hotline number ng barangay sa oras ng pangangailangan.
Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, inaasahang higit pang magiging ligtas, maayos, at handa ang Barangay Bonuan Binloc sa pagharap sa anumang banta sa seguridad at kapakanan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







