Monday, July 27, 2026

TRUCK DRIVER, NAKURYENTE MATAPOS SUMAGI NG LIVE WIRE SA TRUCK

Isinugod sa ospital ang isang driver truck matapos makuryente habang tinatangkang iangat ang nakalaylay na linya ng kuryente upang makadaan ang kanilang sinasakyang dump truck sa Brgy. Bateng, Mangaldan, tanghali ng Sabado, Hulyo 25.

Batay sa paunang ulat ng pulisya, naganap ang insidente matapos maihatid ng biktima at ng kanyang kasamang drayber ang kanilang kargang graba at buhangin sa naturang lugar.

Ayon sa 21-anyos na drayber na saksi sa insidente, tinangka umano ng draybee ng truck na iangat at hawakan ang nakalaylay na linya ng kuryente upang hindi ito masagi ng kanilang sasakyan.

Ngunit, aksidenteng nahawakan ng biktima ang live electrical wire, dahilan upang siya ay makuryente.

Agad na isinugod ito sa ospital at kasalukuyang nagpapagamot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments