Monday, June 29, 2026

DOE, maglalabas ng 175 SCO laban sa power generation companies kasunod ng mga nangyaring power outages

Maglalabas ang Department of Energy (DOE) ng kabuuang 175 show cause orders (SCOs) laban sa iba’t ibang power generation companies.

Ito ay sa posibleng paglabag sa Public Service Act at iba pang kaugnay na batas.

Ayon kay Atty. Gabriel Corpuz ng DOE Legal Services Division, 164 sa mga SCO ay para sa mga generation companies sa on-grid areas, habang 11 naman ang para sa mga nasa off-grid areas.

May kaugnayan ito sa mga nangyaring power plant outages na naging dahilan ng manipis na supply ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments