OPLAN ‘BUSINESS PERMIT SITA’, MAHIGPIT NA IPATUTUPAD SA BAYAMBANG

Mahigpit na ipatutupad sa bayan ng Bayambang ang programang Oplan ‘Business Permit Sita’ bilang pagtitiyak na ang lahat ng mga negosyo sa bayan ay sumusunod at kompleto sa inire-require na pamantayan.

Pinulong ang lahat ng ahensya, departamento at mga unit head ng lokal na pamahalaan upang maisagawa ang mahigpit na monitoring upang malaman kung ang lahat ng mga negosyo ay lehitimo at rehistrado.

Bukod dito, patuloy naman ang panghihiyakat sa mga negosyante sa lugar na mag renew o magparehistro ng kanilang mga business permit upang hindi mapatawan ng penalty.

Ayon rin sa abiso ng LGU Bayambang, extended hanggang January 31, 2025 ang pagsasagawa ng registration ng business permit ng walang penalties. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments