Oposisyon sa Kamara, nanawagan sa susunod na administrasyon na unahin ang public health ng bansa

Umapela ang Gabriela Partylist sa susunod na administrasyon na mas gawing prayoridad ang public health sa halip na buhusan ng pondo ang depensa ng bansa.

Sa ilalim ng 2022 national budget, ang pondo ng Department of Health (DOH) ay aabot sa P188 billion na hindi hamak na mas mababa kumpara sa P213 billion na pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at P190.69 billion na alokasyon sa Philippine National Police (PNP).

Hiniling ng grupo na gawing libre ang serbisyong pangkalusugan sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng sapat at diretsong pagpopondo sa mga pampublikong ospital.


Pinapabago rin ang sistema sa PhilHealth na kinakitaan ng mga anomalya at katiwalian.

Pinagagawa ring uniform ang special risk allowance o SRA na nararapat para sa lahat ng healthcare workers dahil ang kasalukuyang sistema ay discriminatory.

Facebook Comments