ORAS PARA SA PAMILYA, BINIGYANG-DIIN SA DAGUPAN; LGU EMPLOYEES NAKIISA SA FAMILY DAY

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Family Week, isinagawa ang Family Day celebration kasama ang mga kawani ng Local Government Unit sa Dagupan City.

Nagsalo-salo sa isang mainit na almusal ang mga kawani mula sa ibat ibang sektor ng lungsod.

Sa talumpati ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, pinasalamatan niya ang bawat kawani ng LGU at ang kani-kanilang pamilya sa patuloy na dedikasyon at sakripisyo para sa lungsod.

Samantala, kasabay ng pagdiriwang, isa-isang pinirmahan ng alkalde ang leave application ng bawat kawani upang mabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga at magkaroon ng oras para sa pamilya.

Kasabay ng pagdiriwang, suspendido rin ang hapong pasok ng kawani bilang pagtugon sa memorandum na inilabas ng Malacañang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments