Mas pagtutuunan ng pansin ng Provincial Government of La Union ang mga programang may kaugnayan sa social development, agriculture, tourism, infrastructure at community development sa ilalim ng panukalang ₱3.31-bilyong badyet para sa 2027.
Nagkakahalaga ng ₱3,311,866,003 ang proposed Fiscal Year 2027 Annual Budget na isinumite ng provincial government sa Sangguniang Panlalawigan noong Setyembre 16, 2026.
Batay sa panukala, kabilang sa mga paggagamitan ng pondo ang general public services, economic at social programs, local economic enterprises, calamity reserves at debt servicing.
Dadaan naman sa serye ng budget hearings ang panukala upang masuri ng Sangguniang Panlalawigan ang alokasyon ng pondo at mga pangangailangang pinansyal ng lalawigan.
Pangungunahan ang pagsusuri ng SP Committee on Finance, Budget and Appropriations na pinamumunuan ni SPM Teresita “Tess” O. Garcia.
Nakaangkla ang panukalang badyet sa La Union: Agkaysa Agenda at Provincial Strategy Roadmap, bilang bahagi ng mga hakbang tungo sa layunin ng lalawigan na maging Center of Innovation and Growth sa Region I pagsapit ng 2035. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










