Thursday, September 17, 2026

Full alert status ng NCRPO para sa September 21, epektibo na bukas

Epektibo na bukas, September 18 ng 12:01 ng madaling araw ang full alert status ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) bilang parte ng pinaigting na hakbang pangseguridad sa September 21.

Sa katatapos lang na final inter-agency coordination meeting, nafinalized na ang mga security preparations para sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Samantala, naka-schedule sa September 19 ang full deployment naman ng mga Philippine National Police (PNP) personnel para sa posibleng mga kilos-protesta sa nasabing aktibidad.

Facebook Comments