
Kinalampag ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers at operators ang pamahalaan na isama rin sila sa mga mabibiyayaan ng fuel subsidy at discount sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Giit ni United Transport Operators and Drivers Association-TNC Philippines Inc. (UTCPI) President Lisza Redulla, bilang bahagi ng pampublikong transportasyon ay nararapat lamang na makatanggap sila ng kaparehong ayuda mula sa gobyerno.
Sa kasalukuyan, nakadepende lamang ang mga TNVS driver sa P4 hanggang P5 na discount mula sa mga pribadong promosyon ng mga transport network companies sa ilang piling gasolinahan.
Paliwanag ng grupo, malayong-malayo ang naturang halaga kumpara sa P12 kada litrong fuel discount na ibinibigay ng pamahalaan sa iba pang sektor ng pampublikong sasakyan tulad ng mga jeepney.










