
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagpapalawig sa termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan officials sa limang taon.
Sa botong 13 na pabor, limang tutol at wala namang abstain, nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2387.
Sa ilalim ng panukala, iuurong na rin ang Barangay at SK Elections sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028 sa halip na ngayong November 2026.
Ililimita naman sa dalawang termino ang mga barangay officials.
Kabilang naman sa limang senador na bumoto ng “No” sa panukalang ito, sina Senate President Pro Tempore Tito Sotto, Senators Joel Villanueva, Risa Hontiveros, Bam Aquino at Kiko Pangilinan.
Facebook Comments










