
Hindi na hihintayin pang makarating ng tollways exit ang mga sasakyang lumalabag sa speed limit sa mga expressway bago huliin.
Ito ang direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II sa isang pagpupulong kasama ang mga tagapamahala ng mga expressway.
Ang kautusan ay ipinag-utos ni Mendoza bilang bahagi ng mga hakbang sa pagpapatupad ng kaligtasan sa lahat ng expressway sa bansa.
Ayon kay Asec. Mendoza, dapat aktibo at mabilis ang pagtugon ng mga enforcer sa mga lumalabag sa batas trapiko, lalo na sa mga kaso ng overspeeding.
Paliwanag pa ni Mendoza, dapat ay agaran na ang paghuli sa mga violators kapag na-monitor na ang mga ito sa camera at iba pang kagamitan, at hindi na hihintayin pang makarating sa exit point ng tollways, gaya ng kasalukuyang patakaran.
Dagdag pa ng opisyal na importante ang visibility ng mga enforcer sa mga expressway upang disiplinahin ang mga motorista.
Ang direktiba ni Mendoza ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin ang kampanya para sa kaligtasan sa kalsada.
Batay sa datos ng PNP-Highway Patrol Group, halos 13% ng mahigit 31,000 na aksidente sa kalsada noong 2024 ay nangyari sa mga expressway, at halos lahat ng mga ito ay nakamatay