Tuesday, August 25, 2026

OVP, dapat may real name vault list kung fictitious names ang ginamit nila

Iginiit ni House Prosecutor At Manila Rep. Joel Chua na dapat may nakatagong listahan ng totoong pangalan ang Office of the Vice President (OVP) para sa mga binigyan nito ng confidential funds.

Sabi ni Chua, ito ay kung totoong tao ang mga alyas na ginamit sa mga acknowledgement receipts ng mga taong tumanggap umano ng confidential funds.

Halimbawa nito ang mga pangalang Mary Grace Piattos, Andy Lim, Antonio Pagong, Timon Andrew Pusa, Don Piang, May Pamana, Shane Ngitngit, at Xuniso P. Belat

Paliwanag ni Chua, ang purpose ng batas, o ng Joint Circular hinggil sa paggamit ng confidential funds ay ilagay sa vault iyong mga pangalan o identity na lehitimo hinggil sa kukuning mga informant.

Pinunto ni Chua na ang sinabi ni OVP special disbursing officer Gina Acosta na wala nang ibang listahan na nakalagay sa vault ay nagpapakita na hindi totoong mga tao o fictitious lamang ang sinasabing tumanggap ng confidential funds ng OVP.

Facebook Comments