
Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite ngayong Huwebes, August 27, ang mahigit 2.2 metric tons ng iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P12.34 billion.
Kabilang dito ang shabu, marijuana, cocaine, ketamine, at marami pang iba na mula sa malalaking operasyon ng ahensya sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang na ang kanilang operasyon sa MIMAROPA at Valenzuela City.
Layon ng aktibidad na tuluyan nang mabura sa merkado ang nasabing iligal na droga.
Ayon sa PDEA, ito na ang pinakamalaking kantidad ng iligal na droga na nakumpiska at winasak ng ahensya ngayong taon.
Samantala, nasaksihan naman nina Dangerous Drugs Board Chairperson Secretary Oscar Valenzuela at iba pang kinatawan ng government and law enforcement agencies at partner organizations ang nasabing aktibidad.










