P2.6-M halaga ng marijuana, nasabat sa isang checkpoint sa Kalinga

56

Huli sa isang police checkpoint ang isang 36-year-old motorcycle rider na may dalang iligal na droga.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba ang suspek na si Ersilias Baccoy.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nahuli ng Kalinga police ang suspek makaraang tumakas sa isang checkpoint matapos baliwalain ang batas trapiko.


Nang mahabol ng mga awtoridad, nakuha sa pag-iingat nito ang 22,000 grams ng dried marijuana na may street value na ₱2,640,000.00.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa naarestong suspek.

Facebook Comments