Tuesday, September 1, 2026

P45-M HALAGA NG RELIEF SUPPLIES, INILABAS NG OCD PARA SA MGA APEKTADO

Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga residenteng apektado ng masamang panahon, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Ilocos Region.

‎Ayon kay Acting OCD Region 1 Director Laurence Mina, may P45 milyon halaga ng relief supplies, kabilang ang hygiene kits at bottled water, bukod pa sa suplay ng iba pang ahensya.


‎Sinabi ni Mina na nananatili sa heightened readiness ang mga ahensya ng pamahalaan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

‎Patuloy din ang koordinasyon ng mga Local Government Unit, Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO, at iba pang ahensya upang bumuo ng mga scenario at preparedness measures batay sa mga ulat at datos mula sa Department of Science and Technology o DOST.

‎Samantala, binibigyang-pansin din ng OCD ang kapakanan ng mga rescuers upang matiyak na nakakapagpahinga ang mga ito habang nagpapatuloy ang rescue at response operations.

‎Naka-Blue Alert ang OCD Ilocos Region noong Agosto 28 bilang bahagi ng pinaigting na paghahanda at pagtugon sa epekto ng masamang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments