PROBLEMA SA TUBIG-BAHA NG RIZAL STREET, SINURI; PUMPING STATION, ISASAAYOS

Sinuri ng mga awtoridad ang patuloy na pagkakaroon ng tubig-baha sa Rizal St., Dagupan Cuty na lumalala tuwing nagtutuluy-tuloy ang ulan at kasabay nito ang high tide.

Matatandaang ininspeksyon si Mayor Belen T. Fernandez ang lugar para alamin ang posibleng dahilan ng mabagal na pagbaba ng tubig.

Isa sa mga sinuri ang Rizal Pumping Station. Ayon sa alkalde, mahina umano ang pumping ng istasyon at posibleng hindi nagiging epektibo ang sistema dahil umiikot lamang ang tubig kahit ito ay napapump.

Sinuri rin ang ilog na katabi ng floodgate. Ayon kay Fernandez, kabilang sa posibleng problema ang kakulangan ng dike sa dinadaanan ng tubig, na maaaring nakaaapekto sa pagbaha.

Sinabi ni Fernandez na makikipag-ugnayan ang lungsod sa Department of Public Works and Highways (DPWH) isaayos ang pumping station at ang kabuuang sistema ng daluyan ng tubig.

Dagdag nito, magsisimula na rin ang elevation ng kalsada at drainage project sa Burgos St., sa harap ng St. John Cathedral.

Ayon naman sa City Engineering Office, na-request na noong 2025 ang pondo para sa naturang proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments