Tuesday, September 1, 2026

TULONG MEDIKAL AT IBA PANG SERBISYO PUBLIKO, NAIHATID NG RMN SA DAAN-DAANG RESIDENTE SA BRGY. SALISAY, DAGUPAN

Isinagawa dito sa may bahagi ng Salisay Elementary School sa may Dagupan City ang 74th RMN Anniversary Mission 2026: Handang Tumulong Sa’yo, Medical and Public Expo kung saan daan-daang mga residente ang nakapag-avail ng mga serbisyo publikong hatid ng ating himpilan.


‎Bakas ang tuwa at galak sa mga mata at labi ng mga residente dahil sa mga inihatid sa kanilang serbisyo kung saan napakinabangan ng husto—mula sa usaping pangkalusugan, papremyo at pagkain hatid ng mga katuwang na ahensya at sponsors.

‎Malaki ang pasasalamat ng mga residente lalo na pagdating sa usapin ng pagpapacheck-up—bagay na hindi umano nila madalas na nagagawa dahil sa hirap ng buhay.


‎Sa kabuuang pagsasagawa ng mission, nasa 207 residente ang naserbisyuhan ng libreng medical check, 56 sa libreng massage, habang 80 residente naman sa libreng haircut.

‎Daan-daang mga chikiting at nakatatanda din ang nasarapan sa hatid na pagkain ng mga katuwang na Micro Small Medium Enterprises (MSMEs) sa Public Expo.

‎Nagbigay rin ng pasasalamat at pagbati sa RMN ang ilan sa katuwang na sponsors.

‎Nagpahayag rin ng kagalakan at pasasalamat si IFM Dagupan Station Manager and Luzon Coordinator, Mark Espinosa para sa lahat ng mga sumuporta upang maisakatuparan ang matagumpay na anibersaryo at serbisyo publiko ng RMN sa ika-74 na taon nito.


‎Simula’t sapol, walang humpay ang mga isinasagawang paghahatid ng mga napapanahong balita at entertainment ang RMN—malaking bahagi rin ng 74 na taon nito ang pagtulong sa mga kababayang Pilipino.

‎Ang patuloy na pag-usbong ng himpilan ay dahil sa buong pusong pagsuporta ng mga tagapakinig at nanunuod sa lahat ng radio stations ng RMN Networks. Sa pamamagitan nito, lalo pa naming pinagbubuti at pinalalakas ang mga hatid na serbisyo para sa bawat Pilipino.

‎Ito ang 74 taon ng serbisyong may malasakit. 74 taon ng TATAK RMN.
‎ ‎Sa sama-samang pagtutulungan, pagsisikap, at pagmamahal—dito nag-uumpisa tulungan. Itong medical and public expo na isinagawa para sa 74th RMN anniversary ay isang malaking bahagi para sa ating mga residente at sa 104.7 IFM Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments