Tuesday, September 1, 2026

HALOS 5,000 MARIJUANA PLANTS AT SEEDLINGS, NATUKLASAN SA ILOCOS SUR

Nasa 4,660 marijuana plants at seedlings ang natuklasan ng mga awtoridad sa apat na plantation site sa pinagtatalunang hangganan ng Mt. Teba sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur noong August 29, 2026.


‎Ayon sa 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company, isinagawa ang operasyon sa ilalim ng OPLAN DEICESAIS 2026.


‎Natuklasan sa operasyon ang tinatayang 4,000 marijuana seedlings at 660 fully grown marijuana na may pinagsamang Standard Drug Price na ₱292,000.


‎Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng ISPDEU, ISPIDMU KIMAT, Sugpon Municipal Police Station, 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company, at PIT Ilocos Sur RIU 1.


‎Inalis sa pagkakatanim ang mga nakumpiskang halaman, isinailalim sa imbentaryo at dokumentasyon, at saka sinunog sa mismong lugar.


‎Kumuha rin ang mga awtoridad ng mga sample na isasailalim sa pagsusuri sa laboratoryo.

‎ ‎Wala namang naaresto o natukoy na cultivator sa isinagawang operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments