Sa bilang na ito, 240 ang local applicants na binubuo ng 113 lalaki at 127 babae, habang 80 naman ang overseas applicants, kabilang ang 56 lalaki at 24 babae.
Isinagawa ang job fair bilang bahagi ng Buwan ng Kabataan sa Calasiao, kung saan nagtipon ang mga jobseeker at participating employers para sa mga available na trabaho para sa local at overseas employment.
Sa kabuuang 320 aplikante, 57 ang agad na natanggap sa trabaho matapos dumaan sa recruitment process ng mga participating employers.
Layunin ng job fair na mabigyan ang mga kabataang Calasiaoeño at iba pang jobseekers ng access sa mga oportunidad sa trabaho, habang pinapadali ang pagtutugma sa pagitan ng mga aplikante at employers na nangangailangan ng mga manggagawa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






