Wednesday, August 26, 2026

Prayer rally, ikinasa ng ilang religious group sa Sandiganbayan

Kinalampag ng iba’t ibang religious group ang Sandiganbayan ngayong Miyerkules ng umaga, August 26, para ipanawagan na ibalik sa kulungan si dating Senator Bong Revilla.

Binigyang-diin ng mga grupo, na nawawalan na anila ng tiwala ang taumbayan sa mga korte sa bansa, dahil sa pagpayag na makapagpiyansa ang ilang politiko na nahaharap sa non-bailable case, gaya ni Revilla.

Giit pa ng mga grupo, mistulang balewala na ang batas sa bansa kapag ang humihingi ng tiyansang makapagpiyansa ay isang Revilla.

Ikinababahala din umano ng mga grupo ang posibilidad na pagbigyan din ng korte na makapagpiyansa si Senator Rondate Marcoleta at Jinggoy Estrada, maging ang dating mambabatas na si Mike Derensor.

Matatandaan ng pinayagan ng dalawang mahistrado si Revilla na makapagpiyansa ng P1 million para sa kasong Malversation na may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments