Pag-endorso kay Pangulong Duterte bilang vice president, hindi pa pinal na desisyon ng PDP-Laban ayon kay Sen. Koko Pimentel

Hindi pa pinal ang desisyon ng PDP-Laban na iendorso si Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang pambato sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

Ito ang pinanindigan ni Senator Koko Pimentel na siya ring PDP Executive Vice Chairman sa kanilang paksyon nina Senator Manny Pacquiao.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Pimentel na wala pang pinal na desisyon ang partido hangga’t hindi pa nakakapagsumite ng Certificates of Candidacy sa Commission on Elections.


Paliwanag ni Pimentel, mayroong sinusunod na timetable ang PDP at magsasagawa pa lamang sila ng national assembly sa susunod na buwan.

Dagdag pa nito, nakatuon ang partido sa pagpili muna ng pangulo at posibleng siya na ang mamili ng makaka-tandem nito sa pagtakbo sa halalan.

Facebook Comments