PAG-INOM SA MGA PAMPUBLIKONG LUGAR AT PAGALA-GALANG HAYOP, IPAGBABAWAL SA BARANGAY BOLASI SAN FABIAN SIMULA MAYO 29

Simula Mayo 29, mahigpit nang ipatutupad sa Barangay Bolasi sa San Fabian ang dalawang bagong ordinansa kaugnay ng public drinking at stray animal management.

Kabilang dito ang Barangay Ordinance No. 01-S-2026 na binabawalan ang pag-inom ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada, plaza, waiting sheds at iba pang lugar na bukas sa publiko.

Exempted umano dito ang pag-inom sa loob ng tahanan, mga lisensyadong establisyimento at mga event na may pahintulot mula sa barangay council.

Sa ilalim ng ordinansa, pagmumultahin ng ₱300 at papatawan ng community service ang unang paglabag, ₱500 sa ikalawang paglabag, at hanggang ₱1,000 o community service sa ikatlo at mga susunod pang paglabag.

Kasabay ding ipatutupad ang Barangay Ordinance No. 02-S-2026 na pamamahalaan ang mga stray animals sa barangay.

Maaaring iimpound o hulihin ang mga galang hayop at pansamantalang ilagay sa pasilidad ng barangay na aabot ng limang araw hanggang hindi binabayaran ng may-ari ang impounding at redemption fees sa pamamagitan ng proof of ownership.

Inaasahan ng barangay at ng lokal na pamahalaan na agarang sumunod ang mga residente para maiwasang mapatawan ng kaukulang parusa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments