Thursday, October 22, 2026

Pag-recalibrate ng mga estratehiya laban sa mga micro scam hub , ipinag-utos ng PNP Chief

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. muling pagsasaayos ng mg estratehiya sa intelligence at surveillance para matukoy at mabuwag ang operasyon ng mga micro-scam hub.

Nabatid na naunang ibinunyag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na sinusubaybayan ng mga awtoridad ang tatlong aktibong ‘micro scam hub’ sa Metro Manila na iniulat na gumagamit ng maliliit na inuupahang bahay na kayang tumanggap ng 10 hanggang 20 tao—isang malaking pagbabago mula sa malalaking compound na dati nang ginagamit upang patirhan ang libu-libong manggagawa.

Ayon kay PNP Chief Nartatez, seryosong tinutugunan ng PNP ang nagbabagong banta na ito at nakikipagtulungan na rin ang pulisya sa mga katuwang nitong ahensya para ma-dismantle ang nasabing mga patagong operasyon, ang mga ilegal na operator na muling nagtatatag ng kanilang mga aktibidad, sa kabila ng pambansang pagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Binigyang-diin naman ng Top Cop ng PNP na pananagutin din nila ang sinumang tauhan na mapapatunayang sangkot o nagbibigay ng proteksyon sa mga ilegal na operasyon ng scam kasunod ng mga ulat na may mga tiwalag na pulis at tauhan ng militar na ginagamit bilang mga tauhan sa pagpapatakbo ng maliliit na sentro ng scam.

Facebook Comments