
Umarangkada na ang simultaneous Run After Contribution Evaders o RACE operation ng Social Security System o SSS sa National Capital Region o NCR ngayong araw.
Ayon kay SSS NCR Operations Group Senior Vice President Benjamin Dolindo Jr., nasa 45 branches ng SSS ang magsasagawa ng RACE ngayong araw.
Target ng operasyon ang 438 employers at apektado rito ang 4,504 na mga empleyado.
Nasa P284 million namang multa ang inaasahang makokolekta sa mga hindi nagbayad na mga employer ngayong araw lamang.
Layunin ng kampanya na tiyaking sumusunod ang mga employer sa pagbabayad ng SSS contributions ng kanilang mga empleyado, alinsunod sa Social Security Act of 2018.
Facebook Comments










