
Para kay House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, nagpapakita ng espesyal na pagtrato ang pag-waive ng Philippine National Police (PNP) sa pangkaraniwang booking procedures para kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ito ni Ridon, makaraang hindi dumaan sa ordinary booking procedure si VP Sara, tulad ng pagkuha ng mugshots, ng ito ay sumuko sa Quezon City Regional Trial Court Branch 98 nitong Sabado.
Giit ni Ridon, taliwas ito sa patas na pagpapatupad ng rules of law.
Pinaalala ni Ridon na noong sumuko si Senator Rodante Marcoleta sa Sandiganbayan ay isinailalim pa rin ito sa mandatory at standard criminal booking process.
Diin ni Ridon, dapat pantay at walang special treatment ang pagtrato ng batas sa lahat ng mga akusado: ordinaryong tao, Senador o Pangalawang Pangulo.










