PAGBABAKLAS SA MGA ILEGAL NA FISHPEN SAPATOGKAWEN RIVER SA DAGUPAN, ISINAGAWA BILANG HAKBANG KONTRA BAHA

Isinagawa ng Bantay Ilog Task Force, City Agriculture Office at Dagupan City Police Office ang pagbabaklas sa mga ilegal na fishpen sa Patogkawen River sa Dagupan City bilang bahagi ng mga hakbang ng lungsod upang mapabuti ang daluyan ng tubig at makatulong sa pagbawas ng pagbaha.

Isinagawa ang operasyon ng pagbabaklas sa mga ilegal na fishpen, matapos simulan ang pag-aalis sa isang ilegal na istruktura noong Biyernes, Oktubre 16, sa pangunguna ng Bantay Ilog Task Force at City Agriculture Office, katuwang ang Dagupan City Police Office.

Batay sa ulat, unang binalaan noong July 18, 2025, ang may-ari na baklasin ang fishpen.

Sinundan ito ng Notice of Violation at Demolition Notice bago inilabas ang Final Notice and Demand noong October 15.

Kasunod ng pagbabaklas, isinasagawa na ang dredging operations sa Patogkawen River gamit ang ikaapat na dredging machine upang mapabuti ang daluyan ng tubig mula sa Barangay Tambac hanggang sa likurang bahagi ng isang mall.

Layunin ng mga hakbang na alisin ang mga ilegal na istrukturang nakaharang sa ilog upang maging mas epektibo ang dredging at makatulong sa pagbawas ng pagbaha sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments