300 BATANG LOMBOY SA DAGUPAN, NAKILAHOK SA READING ACTIVITY BILANG BAHAGI NG CHILDREN’S MONTH CELEBRATION

Nasa 300 bata sa Barangay Lomboy sa Dagupan City ang nakilahok sa isang interactive reading session at question-and-answer activity bilang bahagi ng Children’s Month Celebration 2026.

Pinangunahan nina Councilor Tala Paras at Sangguniang Kabataan o SK Federation President Bradley Benavides ang aktibidad na layong palakasin ang kakayahan ng mga bata sa pag-unawa sa binabasa at mahikayat silang maging mas interesado sa pagbabasa.

Kasama rin sa programa ang mga SK Chairperson na sina Santillian, Jaira Dueñas, Venica Ang, Colleen Cayabyab, Shey Cariño, Napoleon Claveria, Jhamel Cabatbat, Gleen Mariñas, at Calvin John Moreno.

Bahagi ang aktibidad ng programang “Ligtas, Malusog, at Marunong: Bawat Batang Dagupeño, May Kinabukasan!” na naglalayong paunlarin ang kakayahan sa pagbasa at pagsulat, gayundin ang partisipasyon ng mga bata at kabataan sa mga programa ng lungsod.

Kabilang ang aktibidad sa mga nakalinyang programa para sa Children’s Month Celebration na ginaganap mula Oktubre 24 hanggang Nobyembre 30, 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments