Proteksyon para sa mga mamamahayag laban sa banta at intimidasyon, ipinanawagan ni Pangulong Duterte

Kasabay ng pagdiriwang ng World Press Freedom Day, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng proteksyon para sa mga journalists.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na dapat protektahan ang mga mamamahayag mula sa anumang uri ng banta at pananakot nang sa gayon ay lubos silang makapaglingkod para sa interes ng publiko.

Binigyang-diin din niya na ang malaya at responsableng pamamahayag ay may mahalagang papel sa pagsulong ng lipunan.


Samantala, base sa ranking sa World Press Freedom Index na isinagawa ng Reporters Without Borders, bumaba ang Pilipinas sa 138th spot mula sa 136th noong 2020.

Facebook Comments