Saturday, August 1, 2026

DMW, naglabas ng advisory para sa manning agencies at ship owners sa gitna ng tensyon sa Northern Black Sea ng Ukraine at Russia

Naglabas na umano ng advisory ang Department of Migrant Worker o DMW sa mga manning agency at ship owner, na pahintulutang bumalik o i-repatriate ang lahat ng Filipino seafearers, lulan ng 17 barko, na apektado ng tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia sa Northern Black Sea.

Kabilang din umano sa nasabing advisory na agad dalhin sa ligtas na lugar o pantalan ang 180 Filipino seafearers, lulan ng mga barkong hindi apektado ng nasabing tensyon.

Samantala, mariin namang inihayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa Saturday News Forum na kasama umano sa advisory ang pansamantalang pagbabawal sa mga manning agency at barko, na may sakay na Filipino seafearers, na lumayag sa Northern Black Sea.

Giit ni Cacdac, pwede i-exercise sa nasabing sitwasyon ang kanilang right to refuse sailing.

Nauna nang sinabi ni Cacdac ngayong Sabado, August 1, na 217 umano sa 236 Filipino seafearers ang naitalang ligtas, 15 ang sugatan, tatlo ang patay, at isa ang pinaghahanap pa.

Samantala, naibalik naman na umano sa Pilipinas ang 89 sa 236 Filipino seafearers, habang ang iba naman ay naibaba na sa Ukrainian mainland, Romania, Greece, at Turkey kasabay ng patuloy na repatriation operation ng departamento.

Facebook Comments