
Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na maling impormasyon kaugnay sa kaligtasan ng mga bakuna.
Kasunod ito ng mga post sa social media na hindi umano ligtas o nakamamatay ang mga bakunang itinuturok kontra tigdas at tigdas-hangin.
Sa isang pahayag, sinabi ng Health Department na ang mga karaniwang side effect gaya ng lagnat o pananakit sa bahagi ng tinurukan ay normal at pansamantala lamang.
Samantala, tiniyak din ng kagawaran na masusing iniimbestigahan ng mga eksperto ang mga ulat ng malubhang sitwasyon at nilinaw nila na hindi ito awtomatikong dulot ng bakuna.
Mas malaki pa rin anila ang panganib na dulot ng mismong sakit kumpara sa bihira at seryosong side effect ng bakuna.
Facebook Comments










