Saturday, August 1, 2026

Office of the Cabinet Secretary, hinikayat ang LGUs na gamitin nang husto ang eGov PH App

Hinimok ni Cabinet Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na gamitin nang husto ang eGov PH App upang mapabilis at mapagaan ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan.

Ayon sa kalihim, makatutulong ang eGov PH App upang maging mas mabilis, mas episyente, at mas madaling maabot ng bawat Pilipino ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Ang eGov PH App ang pangunahing digital government platform na inilunsad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa pamamagitan ng app, maaaring mag-avail ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno tulad ng pagkuha ng government IDs, pagbabayad ng bayarin, pagproseso ng mga permit at certificate, at iba pang transaksiyon sa iba’t ibang ahensya.

Facebook Comments