Pagbasa ng sakdal sa mga akusado sa Degamo killing, itinakda aa July 19

Itinakda na lamang sa July 19 ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang arraignment sa mga akusado sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Ito ay matapos na hindi matuloy kanina ang pagbasa ng sakdal sa mga akusado matapos ang paghahain ng mga ito ng motion to quash dahil ilegal daw ang pagkaka-aresto sa kanila.

Kaugnay pa rin ito ng pag-urong ng lima pang akusado sa pagpatay kay Degamo.


Iginiit ni Atty. Jord Valenton na napilitan lamang noon na magbigay ng salaysay ang mga akusado na sina Jhudiel Rivero, Joven Javier, Dahniel Lora, Rogelio Antipolo Jr., at Romel Pattaguan dahil tinorture ang mga ito

Sa ngayon, 10 suspect-witnesses na una nang nagturo kina Congressman Arnolfo Teves Jr., at Marvin Miranda ang naghain ng recantation.

Una nang bumaligtad ang lima pang suspek na sina Jhudiel Rivero, Joven Javier, Dahniel Lora, Rogelio Antipolo Jr., at Romel Pattaguan.

Facebook Comments