Pagbusisi sa kontrobersyal na Prevention of Adolescent Pregnancy Bill, iginiit ng isang senador na masimulan na

Pinasisimulan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pagbusisi sa mga detalye at nilalaman ng Senate Bill 1979 o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill.

Sa gitna ito ng pagkontra ng grupo ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa panukalang batas dahil sa sinasabing probisyon na kwestyunable, nakakaalarma at maaaring paglabag sa Konstitusyon.

Para kay Pimentel, kung titingnan ang mukha ng naturang panukala ay wala naman siyang nakikitang peligroso rito o nakakabahala.


Mahalaga aniya na masuri ang detalye ng bill upang masilip ang posibleng bawat scenario na mangyayari sakaling ito ay maipasa at maipatupad.

Naunang sinabi ng grupo ni Sereno na mayroong 11 senador ang nangako sa kanila na hindi susuportahan ang nabanggit na panukalang batas.

Facebook Comments