
Sa pagsisimula ngayong araw ng pagpapatupad ng maximum SRP na ₱58 pesos ang kada kilo ng imported na bigas, lumilitaw na may dalawang palengke sa Metro Manila ang nagbebenta pa rin ng mas mataas sa maximum suggested retail price (SRP) sa bigas.
Sa isang pulong balitaan, tinukoy ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa ang Guadalupe Commercial Complex na may nagbebenta pa rin ng 59 pesos na kada kilo ng bigas at sa Pasay Public Market na may nagtitinda naman ng 60 pesos per kilo
Pero maliban dito sinabi ni de Mesa na sumusunod naman ang lahat o ang karamihang palengke sa National Capital Region.
Inihayag ni Asec. De Mesa na magsusumite sila ng report sa DTI at local government unit para sa mga hindi sumunod maximum SRP.
Magpapatuloy rin aniya sa mga susunod na araw ang kanilang pagmo-monitor sa mga palengke.