Ikinatuwa ng mga nagtitinda ang pagdami ng mga bumibili ng rosaryo, imahen, at iba pang gamit panrelihiyon, na nagsilbing dagdag na kita para sa kanilang maliliit na negosyo.
Ayon kay Myr Forteza, isang manlalako ng religious items, malaking hamon sa kanilang kabuhayan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang gastusin.
Dahil sa matumal na benta, napipilitan umano silang bawasan ang dami ng produktong kanilang kinukuha upang maiwasan ang malaking puhunan.
Kaya naman malaking bagay para sa kanila ang pagdagsa ng mga deboto ngayong isinasagawa ang pagdiriwang, dahil nabibigyan sila ng pagkakataong makabawi sa puhunan at magkaroon ng dagdag na kita.
Bukod sa pagiging panahon ng debosyon, nagsisilbi rin umanong pagkakataon ang pagdiriwang upang masuportahan ang kabuhayan ng mga maliliit na negosyante at manlalako na umaasa sa dagsa ng mga deboto.
Umaasa naman ang mga manlalako na magpapatuloy ang pagtangkilik ng mga deboto sa kanilang mga produkto, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
